Monday, March 3, 2008

The Unfinished Business: Pacman Vs. Marquez on March 16



World Boxing Council (WBC) superfeatherweight champion Juan Manuel Marquez sounds every bit ready to go, and expects a war when he trades leathers with superstar Manny Pacquiao on March 15 at the Mandalay Bay.In an interview with James Blears of Boxingscene, Marquez revealed for the first time that during his 2004 encounter with Pacquiao, he did not get any southpaw sparring, but this time, his team has employed no less than three of them at his Romanza Gym.

While Marquez is drolling to beat Pacman enters in his crucial stage of training in preparation for his March 15 showdown with WBC superfeatherweight champ Juan Manuel Marquez at the Mandalay Bay in Las Vegas. In his column posted at Philboxing.com, Pacquiao stated that he has already entered the hardest phase of his training, and a little more work and he will be in the best form of his life.

"Umabot na po ako sa pinakamahirap na yugto ng aking training at gusto ko lang na ipaalam sa lahat na nalampasan ko na ang mga matitinding pagsubok na nasa harapan ko," said Pacquiao.
"Masaya po ang aking coaching staff na binubuo ni Freddie Roach, Buboy Fernandez at Nonoy Neri at ang conditioning coach ko na si Eric Brown sa ipinakita kong lakas, bilis at stamina. Konti pa, matatamo ko na ang isang perfect condition," the boxing icon added.

"Para sa laban na ito, ang paghahanda ko ay masasabi kong isa sa pinakamatindi sa lahat, kung hindi ito na ang pinakamatindi sa loob ng 13 taon ko na sa sport. Sa pagmamatyag ng aking team, binabantayan namin ang aking timbang at kundisyon para matiyak na nasa 100 percent ako sa araw ng laban," he explained.

"Plano kong tapusin ang 130 hanggang 140 rounds ng sparring hanggang sa pababa na ako ng rounds ng sparring sa huling linggo ng training sa Las Vegas, gaya ng nakaugalian na namin. Mahirap para sa isang boxer ang ma-over train kaya tinatantiya ko ang sarili kong kakayahan at lakas para hindi ako mag-peak na maaga," he said.

"Excited na po ako kahit na mahirap pa rin ang aking tatahaking landas sa susunod na dalawang linggo ng training. Kayo pong lahat ang dahilan kung bakit halos pinapatay ko ang sarili ko sa insayo. Ito po ang palagi kong sinasabi sa lahat ng mga boksingero na gustong sumunod sa aking mga yapak: Na kapag handa ka sa laban, wala kang kinakatakutan. Kapag matibay ang iyong katawan at pag-iisip at may pananalig ka sa Diyos, mas madali ang pagtamo ng tagumpay."

"Minsan ko na naman pong hihingin ang inyong panalangin para sa ikatatagumpay nating lahat. Konting tiis na lang, konting sakripisyo pa. Sana po, mapanood ninyo ang aking laban dahil ibibigay ko po ang lahat ng aking makakaya, ibubuhos ko ang lahat ng aking lakas para lamang pag-isahin kahit na sa isang sandali ang ating bayan na unti-unti na namang nagkakawatak-watak. Sana po, magkaisa tayong lahat sa pagsulong, hindi sa pagsira ng ating ekonomiya."